-- Advertisements --

Hiniling ngayon ng Philippine National Police (PNP) sa Department of Justice (DOJ) na maglabas ng lookout bulletin laban kay Daraga Mayor Carlwyn Baldo na siyang itinuturong na mastermind sa pagpatay kay Ako Bicol Representative Rodel Batocabe at sa kaniyang police escort.

Ang paghingi ng PNP ng tulong sa DOJ, matapos sumuko ang ika-lima at ika-anim na suspeks sa pagpatay sa mambabatas.

Ayon naman kay PNP chief PDGen. Oscar Albayalde na ang pagsuko pa ng dalawang suspeks sa Batocabe slay case ay kanila ng matukoy ang katotohanan sa likod ng pagpatay kay Rep. Batocabe.

“This latest development is expected to complete the puzzle in uncovering the truth behind this double murder and multiple frustrated murder case,” pahayag ni Albayalde.

Sinampahan na ng kasong murder at frustrated murder ng PNP si Mayor Baldo at ang kaniyang anim na hit squad team.

Sa ngayon, hawak na ng PNP ang anim na prime suspeks sa Batocabe-Diaz slay.

Ang mga suspeks na hawak ngayon ng PNP ay mga sumusunod: Rolando Arimado alias RR; Danilo Muella alias Manoy Dan; Christopher Naval alias Tuping; Emmanuel Rosello alias Boboy; Henry Yuzon alias Romel at Jaywin Babor alias Gie.

Ang key witness na si Emmanuel Bonita Judavar ang siya namang nagbigay ng mga mahahalagang impormayon kaugnay sa planong pagpatay kay Batocabe.

Tiniyak naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na kanilang tutugunan ang hiling ng PNP.

Paliwanag naman ni Guevarra na layon ng lookout bulletin para imonitor ang entry at exit ng target lalo na sa mga airport at seaports.