Isinuko ng Barangay officials ng Lookan Banaranan, Sapa-Sapa, Tawi-Tawi sa Joint Task Force Tawi-Tawi ang apat na high-powered firearms at ammunitions, kahapon August 2,2021.
Ayon kay Western Mindanao Command Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan, isang M16, dalawang Garand at isang Carbine ang tinurn-over ng Barangay officials sa mga operatiba ng Philippine Marines.
Tinurn-over din ng mga ito ang apat na short at isang long magazines ng M16, dalawang clips para sa Garand, isang magazine para sa Carbine, 22 rounds ng 5.56mm live ammunition, 14 rounds ng 30mm live ammunition, at anim na rounds ng 7.69mm live ammunition.
“This exemplifies the good interagency collaboration and cooperation that we have established with the local government units and stakeholders as we continue to work towards the achievement of peace and development in the communities,” pahayag ni Lt. Gen. Vinluan, Jr.
Ayon naman kay MBLT-6 Commanding Officer Lt. Col. Benjie Pendon, ang mga nasabing armas ay isinuko ng isang Abduljim Kusasi, Altriki Yusoph, Renaldo Mabini, kasama si Lookan Barangay Chairman Ronald Shalim.
Sinabi ni Pendon, ang pagsuko sa mga nasabing loose firearms ay resulta sa serye ng mga dialogues na kaniyang pinangunahan sa pakikipag-ugnayan sa mga local officials sa lugar.
Pinatitiyak naman ni Joint Task Force Tawi-Tawi Commander, Col. Romeo Racadio sa lahat ng Philippine Marine units sa lugar na paigtingin pa ang kampanya laban sa loose firearms lalo at nalalapit na ang 2022 national elections.
“Our main objective is to get rid of loose firearms which are the main causes of violence in the communities,” pahayag ni Col. Racadio.
Isinagawa ang turn-over sa mga loose firearms sa Barangay Hall ng Lookan.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng 36th Marine Company ang mga isinukong mga loose firearms.
Batay sa datos ng JTF Tawi-Tawi simula January 2021, nasa 49 loose firearms ang isinuko kung saan 31 dito mga high-powered at 18 ang low-powered firearms.