-- Advertisements --

dnd1

Nag-usap sa pamamagitan ng introductory phone call sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at US Secretary of Defense Lloyd J. Austin III ngayong umaga.


Pinag-usapan ng dalawang magka-alyadong bansa ang mga developments sa Philippines-US bilateral defense relations kasama na dito ang mainit na isyu sa West Philippine Sea.


Sa pag-uusap ng dalawang kalihim, muling pinagtibay ni Austin ang ang commitment ng Amerika sa Philippines-US alliance sa pamamagitan ng Mutual Defense Treaty (MDT), at ang pananaw ng US Armed Forces sa Visiting Forces Agreement (VFA).


Kanila din tinalakay ang kahalagahan ng pagpapalakas ng AFP sa kanilang capabilities at interoperability sa pagitan ng dalawang militaries sa ibat ibang bilateral security cooperation.


Bukod sa isyu sa West Phil Sea, napag-usapan din nina Lorenzana at Austin ang kampanya sa counterterrorism at maritime security.


Samantala, nakatakda naman magpulong ang Pilipinas at Amerika bago magtapos ang kasalukuyang buwan ng Pebrero para pag-usapan ang kapalaran ng US-PH Visiting Forces Agreement na sinuspinde ni Pang. Rodrigo Duterte.


June 2020, pansamantalang sinuspinde ng gobyerno ang termination ng VFA dahil sa usaping political at developments sa rehiyon.


Nobyembre naman ng 2020, pinalawig ni Pang. Duterte sa loob ng anim na buwan ang suspension sa termination ng VFA sa gitna ng tensiyon sa disputed islands ang West Philippine Sea.