Naging emusyunal umano si Defense Secretary Delfin Lorenzana ng malaman nito na pinugutan ng ulo ng mga bandidong Abu Sayyaf ang German hostage na si Juergen Kantner.
Ayon kay Defense spokesperson Arsenio Andolong ng malaman ng kalihim ang nangyari galit na galit ito at tinawag na animal ang bandidong grupo.
Sinabi ni Andolong na paniniwala kasi ng kalihim na hindi gawain ng tao ang mamugot ng kapwa nito.
Ang makakagawa lamang nito ay mga animal.
Wala umanong dahilan para pugutan ng ulo ang isang inosenteng tao.
Ayon kay Andolong mararamdaman ng Abu Sayyaf ang galit ng publiko sa pamamagitan ng opensiba na ilulunsad ng militar.
Nakikiramay ang kalihim sa pamilya ni Kantner sa nangyari.
Pagtiyak nito na mananagot ang teroristang grupo sa ginawa nilang pagpugot sa ulo ng banyagang bihag.
“You have to understand na medyo naging emotional sya after yung ano and he believes that individuals who perform this kind of action, hindi mo matatawag na humans yan e, first of all he was innocent ano, wala namang kinalaman sa kanila yun and then you perform an act like that for the world to see, simply there is no reason or, to that, kaya thats why i believe he called them animals,” paliwanag ni Andolong.