-- Advertisements --

Pinirmahan na rin ni outgoing Defense Secretary Delfin Lorenzana ang P30 billion contract sa Korean shipbuilder para sa paggawa ng anim na Offshore Patrol Vessels (OPV) na gagamitrin ng Philippine Navy.

Sa statement ng Department of National Defense (DND), iniulat nito na si Sec. Lorenzana ay pumirma ng deal sa Hyundai Heavy Industries vice chairman Nam Sang-hoon.

Kasama sa dumalo sa event ay sina South Korean Ambassador to the Philippines Kim In-cheol; Gen. Andres Centino, chief-of-staff of the Armed Forces of the Philippines; and Rear Admiral Caesar Bernard Valencia, acting flag-officer-in-command of the Philippine Navy.

Naniniwala ang DND na ang naturang mga bagong patrol vessel ay magpapalakas pa sa maritime patrol capabilities of the Philippine Navy, dahil kabilang din dito ang technology transfer kasama na ang human engineering operators at maintenance training of equipment at iba pa.

Pag-amin naman ni Sec. Lorenzana, nag-atubili siya sa pagpirma sa naturang bilyung-bilyong kontrata lalo na at pababa na siya sa puwesto, at baka akusahan pa siya na nagsagawa ng midnight deal.

Paliwanag naman ng DND, ang naturang OPV project ay prayoridad sa ilalim ng tinaguriang Second Horizon ng Revised AFP Modernization Program na inaprubahan ni Presidente Rodrigo Duterte noong pang May 2018.

Sumailalim din daw ito sa masusing pag-aaral na inindorso ng Philippine Navy bago pinirmahan.