-- Advertisements --

Umapela si Department of Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana sa China na tanggalin nila ang 220 na barko na nasa West Philippine Sea.

Sinabi ng kalihim na ang nasabing hakbang ay lumalabag sa maritime rights at sovereignty.

Malinaw aniya na ang hakbang ay tila nagsisimula ng kaguluhan.

Iginiit pa nito na ang nasabing teritoryo ay nasa Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ) at Continental Shelf kung saan mayroong karapatan ang Pilipinas sa ilalim ng international law s 2016 ruling.

Magugunitang ibinunyag ng National Task Force for the West Philippine Sea na ang mga barko ay pag-aari ng mga Chinese maritime militia na nasa Juan Felipe Reef.

Pinangangambahan ng grupo ang pagkakaroon ng malawakang pangingisda at pagkasira ng mga coral reef doon.