Nasungkit ng Los Angeles Dodgers ang korona sa World Series matapos na ilampaso sa Game 6 ang Tampa Bay Rays, 3-1.
Ito ang unang titulo ng Dodges makalipas ang 32 taon kung saan huli silang naging world champion ay noon pang taong 1988.
Noong taong ‘yon tinalo nila ang Oakland Athletics sa loob ng limang laro.
Ang Rays naman hanggang sa ngayon ay wala pa ring naihahanay na tropeyo samantala ito na ang ika-pitong titulo ng Dodgers sa kanilang prangkisa.
Nagtapos ang Dodgers sa pinaiksing regular season na may record na 43-17, kung saan nakuha rin nila ang ikalawang sunod na National League West division title.
Samantala napili naman si Corey Seager bilang World Series MVP matapos na magtala ng dalawang home runs at batting na .400.
Matapos ang game kinumpirma naman ni MLB Commissioner Rob Manfred na si Justin Turner ng Dodgers ay inilabas sa eight inning matapos na magpositibo sa coronavirus.