-- Advertisements --
image 38

Pinayuko ng Los Angeles Lakers ang katunggali nitong Indiana Pacers sa score na 112-111 sa katatapos pa lamang na laban.

Tumipa ng 31 points at 14 rebounds ang power forward na si Anthony Davis para sa lakers na naging dahilan upang maungusan nila ang Pacers.

Umalalay rin ang 19 time all star player ng lakers na si Lebron James at nagpakawala ito ng kabuuang 26 points , 7 rebounds at 7 assist.

Sinubukan naman ni Myles Turner na buhatin ang kaniyang team na Pacers at pomoste ito ng 20 points at 13 rebounds ngunit bigo pa rin itong masikwat ang swerte ngayong araw.

Matatandaan na tinalo ng Indiana ang Lakers sa game 1 match nito noong Nobyembre 29 ng nagdaang taon.

Ginanap ang naturang laban sa GainBridge Fieldhouse Arena at ito ay pinapanood ng aabot sa 17,000 na NBA Fans.