-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang northeast Los Angeles dakong 4:30 ng umaga oras sa Pilipinas.

Ayon sa US Geological Survey, nakita ang epicenter nito sa 103 miles ng northeast ng Los Angeles.

May lalim ang nasabing lindol ng halos limang milya.

Unang naitala ang lindol na magnitude 5.1 at ito kanilang nai-downgrade.

Wala namang naitalang pinsala ang pagyanig na naramdaman sa bahagi ng Las Vegas, Nevada.