Inilabas na ang Los Angeles County Sheriff Department ang kanilang imbestigasyon sa nangyaring aksidente na kinasangkutan ni golf star Tiger Woods noong Pebrero 23.
Ayon sa Sheriff Alex Villanueva, umaabot sa 87 miles per hour ang takbo ng sasakyan ni Woods na Genesis GV80 SUV ng ito ay bumangga sa isang punongkahoy.
Bukod sa pagiging mabilis ay hindi rin nito nakita agad ang pakurbadang bahagi ng kalsada ng Rancho Palos Verdes, California.
Wala ring nakitang anumang sensyales na nakainom o nakadroga si Woods base na rin sa mga nakalap nilang ebidensiya sa lugar.
Inalis din ng mga otoridad na gumagamit ng cellphone si Woods habang nagmamaneho.
Malaking tulong din aniya sa kanilang imbestigasyon sa nakuha nilang ‘black box data recorder’ ng sasakyan.
Magugunitang nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang 45-anyos na 15-time major champion dahil sa nasabing aksidente kung saan nanatili ito ng ilang araw sa pagamutan bago tuluyang nakauwi sa kanilang bahay.