Ngayon pa lamang ay maagang nagpahayag ng suporta ang mga city officials ng Los Angeles para sa hosting nila ng 2028 Olympics at Paralympic Games.
Nagsagawa ng parada ang mga local officials kung saan iwinagayway ang watawat ng Olympics.
Ito na kasi ang pangatlong beses na magiging host ang Los Angeles ng Olympics na ang huli ay noong 1984 habang sa unang pagkakataon ay ang lungsod ang magiging host ng Paralympics.
Sinabi ni LA Mayor Karen Bass na ang Olympics ay laro para sa lahat.
Kasama rin sa seremonya ang mga fencers na naka-wheelchair at si Los Angeles native at Paralympic shotput silver medalist Arelle Middleton.
Tiwala ang organizers ng LA2028 na magkakaroon ng malaking tulong ang mga Hollywood stars para mas dumami ang mga manonood ng mga laro.