Nangako si Lotlot de Leon sa isang post sa social media nitong Biyernes, Abril 25, para sa kanyang inang si Nora Aunor, National Artist, na pumanaw noong Abril 16 na patuloy nitong aalagaan ang iniwang pamana ng kaniyang ina sa kanilang magkakapatid.
‘Si Ian, Matet, Kiko, Ken at ako. Basta look after us always ma.. alam ko hindi mo kami pababayaan sa bawat desision na gagawin naming magkakapatid. At lalo pa kami nagkakaisa dahil sam ‘yo. And we promise to take care of your legacy, Ma, kami ng mga kapatid ko,’ post nito.
Dagdag pa ni Lotlot na araw-araw niyang kinakausap ang kanyang ina at naniniwalang patuloy siyang ginagabayan nito. Ibinahagi rin niya ang pangako na aalagaan ang kanyang mga kapatid at mga apo ni Nora, alinsunod sa habilin ng ina.
“Ma, maraming nagmamahal sa ’yo… sana nakikita n’yo po ’yun,” ani Lotlot, habang pinasalamatan din niya ang lahat ng nagpakita ng suporta sa kanilang pamilya.
Inilibing ang mga labi ni Nora Aunor, sa Libingan ng mga Bayani noong Abril 23.