-- Advertisements --

Bigong makuha ng mga mananaya ng lotto ang kabuuang P202,500,000 jackpot price ng Grandlotto 6/55 sa naging draw sa mismong araw ng Pasko, Disyembre 25.

Batay sa inilabas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na resulta ng draw, bigong makuha ng mga bettor ang 6-digit combination na 33 – 47 – 38 – 15 – 16 – 03.

Dahil dito, magpapatuloy pa rin ang pagtaas ng jackpot prize sa mga susunod na araw.

Samantala, apat na bettor naman ang nakakuha ng 5-digit combination. Ibig sabihin, isang numero lamang ang bigo nilang mahulaan para sana makuha ang jockpot prize.

Ang mga ito ay makakatanggap ng tig-P100,000 bilang premyo.

Ayon kay PCSO General Manager Melquiades Robles, ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng ahensiya na magkaroon ng Christmas Day draw.