-- Advertisements --

Inanunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na tuloy na ang lotto operations kasunod ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang suspensyon na kanyang ipinag-utos noong nakaraang linggo.

Nasa mahigit 21,000 lotto outlets at iba pang PCSO gaming kiosks ang isinara sa buong bansa mula Hulyo 27 hanggang Hulyo 30 matapos na ideklara ito ng Pangulong Duterte na iligal dahil sa aniya’y malawakang kurapsyon.

Sa pahayag ng PCSO, epektibo ngayong Miyerkules ang resumption ng mga Lotto games, na kinabibilangan ng:

– Lotto 6/42

– Mega Lotto 6/45

– Super Lotto 6/49

– Grand Lotto 6/55

– Ultra Lotto 6/58

– 6 Digit Game

– 4 Digit Game

– Suertres Lotto

– EZ2 Lotto

“For those who are holding advanced Lotto tickets, please stay tuned in for the draw schedule announcements. Lotto draws that were suspended from July 27-30, 2019 shall proceed and will be conducted at the Official PCSO Draw Court at the PCSO Head Office,” pahayag ng PCSO.

Nangako rin ang ahensya na kanilang susuportahan ang laban ng administrasyong Duterte kontra katiwalian at sa mga iligal na sugal.

Nakahanay din aniya ang kanilang mga programa sa layunin ng gobyerno.

“The PCSO continues is endeavor to fight and eradicate illegal gambling and corruption as the agency thrives in serving the public, especially those who are in dire need of help,” saad nito.