-- Advertisements --
Naghahanda na ang maraming residente ng Louisiana sa pagdaan ng hurricane Francine.
Ayon sa National Hurricane Center na mananalasa muna ito sa Gulf of Mexico bago tuluyang mag-landfall.
Lumakas pa ang nasabing bagyo sa tropical storm category 1 hurricane.
Inaasahan na aabot pa ito ng Category 2 kapag tumama na sa Louisiana.
Nagdeklara na ng state of emergency ang katabing lugar ng Louisiana na Mississippi.
Magdadala ng matinding pag-ulan ang nasabing bagyo at posibilidad na magkaroon ng mga ipo-ipo.