-- Advertisements --

Pansamantala munang isinara sa publiko ang sikat na Louvre Museum sa France bunsod ng pangamba sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Andre Sacristin, empleyado sa Louvre, natatakot daw sila na madapuan ng nasabing virus lalo pa’t dinarayo ang museo ng mga turista mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

“We are very worried because we have visitors from everywhere,” wika ni Sacristin.

“The risk is very, very, very great,” dagdag nito, “it’s only a question of time.”

Sa maikli namang pahayag mula sa Louvre, matapos ang isang staff meeting tungkol sa virus prevention efforts ay hindi muna binuksan sa mga turista ang museo.

Ang shutdown ay kasunod na rin ng pasya ng gobyerno nitong Sabado na ipagbawal ang indoor public gatherings ng mahigit sa 5,000 katao. (AP)