KALIBO, Aklan—Handa na ang Malay Municipal Tourism Office sa pagsidatingan ng mga turista simula ngayong araw ng Biyernes hanggang sa Labor Day sa Mayo 1 para sa Love Boracay 2024.
Sinabi sa Bombo Radyo ni Mr. Felix Delos Santos, Malay Municipal Tourism Officer na activated na ang kanilang Municipal Incident Management Team bilang paghahanda sa mga inaabangang Labor Day Event sa isla.
Maging ang mga hotels aniya ay handa na sa pagtanggap ng mga bisita kung saan, aabot sa 80% ang kanilang hotel occupancy rate.
Ang Love Boracay event ngayong taon ay sesentro sa pagbibigay malasakit sa isla.
Samantala, kasunod ng pinalakas na sports tourism, may gaganapin na international dragon boat festival na lalahukan ng 53 mga teams mula sa 17 na mga bansa, international Frisbee, beach volleyball, beach tennis at maraming iba pa.