-- Advertisements --

Inaasahan na ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang pagtaas ng biktima ng mga ‘Love Scam’ sa buwan ng Pebrero.

Ayon kay CICC executive director Alexander Ramos, na maraming mga Filipino na ngayon ang gumagamit ng mga ‘dating apps’ para makahanap ng kanilang nobyo o nobya.

Masyadong emosyonal ang ilang mga Filipina na madali silang biktimahin ng mga nasa likod ng love scam.

Pinayuhan din ng opisyal ang publiko na dapat doblehin na tignan ang larawan ng isang taong nakikilala sa social media at kung sakaling manliligaw ito ay dapat papayag itong magpa-video call.

Hinikayat niya ang publiko na agad na isumbong sa kanilang opisina kung mayrong kahinahinalang nanghihingi ng pera matapos na mapaibig ang isang tao.