LA UNION – Patay ang isang tricycle driver matapos itong pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang riding in tandem suspects sa Brgy. Road na bahagi ng Brgy. Bacani sa bayan ng Rosario, La Union.
Nakilala ang biktima na si Ronaldo De Vera, 43, may asawa, at residente ng Brgy. Bacani.
Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Patrolman Kevin Milan, imbestigador ng Rosario Police, bago ang insidente ay naggaling ang biktima sa bahay ng kanyang ina sa Brgy. Tabtabungao at pauwi ng pagbabarilin ng dipa kilalang mga suspek na agad tumakas.
Bagamat naitakbo pa sa Rosario Distrct Hospital ang biktima ngunit idinekla itong patay na ng attending physician.
Tinitingnan ngayon ng mga otoridad na motibo sa pamamaslang ay love triangle at problema umano sa pamilya.
4 na basyo naman ng bala mula sa Caliber 45 ang narekobre mula sa crime scene.
Sa ngayon, nasa punerarya na ang bangkay ng biktima kung saan plano ng pamilya na isailalim ito sa autopsy habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad.