Aminado si Lovi Poe na nakaramdam din siya ng kaba habang nasa recording studio kasama ang Grammy award winning producer na kilala sa stage name bilang si Omen.
Ito’y kahit pa katuparan na ng mga pangarap ng 32-year-old actress na maging recording artist din at ngayo’y isinagawa pa sa New York.
Ayon kay Lovi o Lourdes Virginia sa tunay n buhay, nabigyan ni Omen ng magical effect ang kanyang simpleng awitin lamang.
Kabilang pa sa mga nakatrabaho ng nasabing Grammy award winning producer ay ang mga sikat ding international artists gaya nina Lil Wayne, Drake, Beyonce, at iba pa.
Ilan naman sa mga pelikula ni Lovi ay “My Neighbor’s Wife,” “Thy Womb,” “Latay,” at marami pa.
Sa ngayon ay boyfriend niya ang English medical scientist na nagngangalang Monty Blencowe.