-- Advertisements --
Nagbabala ang Pagasa na posibleng lumakas at maging ganap na bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa silangan ng ating bansa.
Kung ganap na magiging bagyo, tatawagin itong tropical depression “Paeng.”
Ayon sa government weather bureau, huli itong namataan sa layong 1,010 km sa silangan ng Eastern Visayas.
Pero kahit malayo pa ang LPA, umaabot naman sa Palawan, Visayas at Mindanao ang extension nito.
Maliban dito, nagdadala rin ng ulan ang umiiral na hear line sa Southern Luzon.