-- Advertisements --
image 439

Magdadala ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Visayas, Mindanao ang low pressure area

Ang Silangang Visayas, Dinagat Islands, Surigao del Norte, at Surigao del Sur ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa low pressure area.

May posible rin umanong pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Ang Batanes at ang Babuyan Islands naman ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang, maulap na papawirin na may pulu-pulong mahinang mga pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon ngunit walang makabuluhang epekto.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa LPA at mga localized thunderstorm, na may posibleng flash flood o pagguho ng lupa sa panahon ng matinding pagkulog.

Katamtaman hanggang sa malakas na hangin ang inaasahan sa extreme Northern Luzon, na sinasabayan ng katamtaman hanggang sa maalon na tubig sa baybayin.

Samantala, ang nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang hangin kasama ang mahina hanggang sa katamtamang pag-alon sa baybayin.

Inaasahan naman na sisikat ang araw sa Metro Manila alas-6:02, umaga ng Linggo.