-- Advertisements --
Nagbabala ang Pagasa ng mga pag-ulan sa mga lugar sa Mindanao na una nang niyanig ng 6.6 magnitude na lindol.
Ayon sa ulat ng Pagasa, huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 460 km sa silangan ng Davao City.
Maliit naman ang tyansa nitong lumakas bilang bagong bagyo, sa halip malulusaw ito sa susunod na 36 oras.
Samantala, sa Luzon ay aasahan din ang maulap na panahon at biglaang buhos ng ulan dahil sa amihan at easterlies.
Sa pagtaya ng Pagasa, magiging maaliwalas ang panahon sa paggunita ng araw ng mga patay sa malaking parte ng ating bansa.