-- Advertisements --

Maliit umano ang tiyansa na mabuo bilang bagyo sa loob ng 24 oras ang namataang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Davao City.

Sa latest bulletin ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) ngayong Linggo ng tanghali, namataan ang LPA sa layong 70 kilometro ng timogsilangan ng Davao City.

Nakapaloob ang naturang sama ng panahon sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) o nagsasalubong na hangin na nagdadala ng makapal na ulap.

Inaasahan naman na kikilos ang LPA pa-kanluran at posibleng tumawid sa Mindanao.

Bagama’t hindi magiging mahinang bagyo, aasahan umano ang mga pag-ulan hanggang sa araw ng Martes dulot ng LPA at ITCZ partikular sa Visayas, Palawan, at Mindanao.

Habang ang natitirang bahagi ng Luzon ay makakaranas ng maaliwalas na may mainit at maalinsangang lagay ng panahon.