-- Advertisements --
Binabantayan ngayon ang isa na namang low pressure area (LPA) sa silangang bahagi ng Southern Tagalog Region.
Huli itong namataan sa layong 125 km sa silangan hilagang silangan ng Infanta, Quezon.
Sa ngayon, maliit pa ang tyansa nitong lumakas bilang bagong bagyo.
Maliban dito, umiiral naman ang habagat sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Asahan din ang mga biglaang buhos ng ulan dahil sa isolated thunderstorms.