-- Advertisements --

Patuloy sa paglapit sa Pilipinas ang binabantayang low pressure area (LPA).

Tinatahak nito ang pahilaga hilagang kanlurang direksyon o patungo sa Hilagang Luzon.

Huli itong namataan sa layong 1,450 kilometro sa silangan ng Visayas.

Sa Lunes na itong inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR).

Habang tinataya na sa Martes naman ito magiging ganap na bagyo at tatawaging tropical depression Falcon.