-- Advertisements --
Pinaghahanda ng Pagasa ang mga residente sa Caraga region at mga karatig na lugar ukol sa inaasahang pag-landfall ng isang namumuong sama ng panahon sa loob ng susunod na 48 oras.
Ayon sa weather bureau, bagama’t low pressure area (LPA) lamang ito, maaari pa ring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa, kung magtutuloy-tuloy ang dalang ulan.
Huling namataan ang LPA sa layong 540 km sa silangan timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Tinatahak nito ang pahilagang kanlurang direksyon kaya maaaring makaapekto sa Visayas at Mindanao.
Maliit naman ang tyansa nitong maging ganap na bagyo dahil malapit na sa lupa.
Samantala, patuloy ang paglakas ng bagyong may international name sa Bualoi na nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).