-- Advertisements --
Ofel Pagasa

Tuluyan nang naging bagyo ang low pressure area (LPA) na nasa bahagi ng Eastern Samar.

Dahil dito, itinaas na rin ng Pagasa sa signal number one sa lugar ng Sorsogon sa Bicol region, gayundin ang mga sumusunod na lugar sa Eastern Visayas: ito ay ang Northern Samar, northern portion ng Eastern Samar na kinabibilangan ng Borongan City, ang mga bayan ng San Julian, Sulat, Taft, Can-Avid, Dolores, Maslog, Oras, San Policarpo, Arteche, Jipapad at ang northern portion ng lalawigan ng Samar.

Sakop din sa signal number 1 ang mga bayan ng Pinabacdao sa Samar, Villareal, Talalora, Daram, Zumarraga, Calbiga, Hinabangan, Paranas, San Sebastian, Motiong, Jiabong, Catbalogan City, San Jorge, San Jose de Buan, Matuguinao, Tarangnan, Gandara, Pagsanghan, Santa Margarita, Calbayog City, Santo Nino, Almagro at Tagapul-An.

Natukoy ng Pagasa ang sentro ng tropical depression Ofel sa layong 115 km east southeast ng Guiuan, Eastern Samar.

Kumikilos ang bagyong Ofel ng north northwestward sa bilis lamang na 15 km/hr.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin sa 45 km/hr at merong pagbugso sa gitna na umaabot sa 55 km/hr.

Sa pagtaya ng Pagasa bukas, si “Ofel” ay nasa 45 kms east na ng Juban, Sorsogon at sa Huwebes ng hapon ay malapit na ito sa west southwest ng Ambulong, Batangas.

Sa Sabado ng hapon lalabas na ito sa teritoryo ng pilipinas.

“Track and intensity outlook: On the forecast track, “OFEL” will move generally north-northwestward today through tomorrow afternoon and will make landfall over Eastern Samar-Northern Samar area tomorrow morning. By tomorrow afternoon, “OFEL” will move northwestward or west-northwestward traversing the southern portion of Southern Luzon.
Intensity: “OFEL” developed into a tropical depression at 2:00 PM today. It will likely remain in tropical depression category while traversing the southern portion of Southern Luzon. It is forecast to reach tropical storm category within 48 hours once it emerges over the West Philippine Sea,” bahagi pa ng advisory ng Pagasa.