-- Advertisements --
Nilinaw ngayon ng Pagasa na thunderstorm lamang ang naitatala sa iba’t-ibang panig ng bansa at hindi dahil sa bagyo at low pressure area (LPA).
Ayon kay Pagasa forecaster Raymund Ordinario, wala na ang dalawang low pressure area (LPA) sa Northern Luzon.
Habang ang papalapit na bagyo sa silangan ng Mindanao ay posible na ring malusaw.
Maliban dito, wala nang inaasahang sama ng panahon na papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa loob ng susunod na dalawang araw.