-- Advertisements --
Ganap nang naging bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa silangan ng ating bansa.
Tinawag ito ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) bilang tropical depression Obet, na ika-15 sama ng panahon para sa taong 2022.
Huling namataan ang bagyo sa layong 1,055 km sa silangan ng extreme Northern Luzon.
May taglay itong lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.
Kumikilos ang bagyo nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.