-- Advertisements --

Asahang magiging bagong bagyo sa susunod na 48 oras ang namataang low pressure area (LPA) sa Northern Luzon.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng namumuong sama ng panahon sa layong 265 km kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.

Kung ganap na magde-develop bilang tropical depression, bibigyan ito ng local name na “Goring” na pang-pitong bagyo para sa taong 2019.

Samantala, patuloy naman ang paglayo ng tropical storm Falcon sa ating bansa.

Huli itong namataan sa layong 230 km hilagang silangan ng Basco, Batanes.

Kumikilos ito nang pahilaga sa bilis na 20 kph.

Taglay ni “Falcon” ang lakas ng hangin na 65 kph at pagbugsong 80 kph.

Umiiral pa rin ang signal number two sa Batanes at signal number one naman sa Babuyan group of Islands.