-- Advertisements --
flood baha

Unti-unting lumalakas ang low pressure area (LPA) na nasa silangan ng Bicol region.

Ayon sa ulat ng Pagasa, huli itong namataan sa layong 1,075 km silangan ng Juban, Sorsogon.

Inaasahang magiging ganap itong bagyo sa susunod na 24 oras at bibigyan ng local name na “Egay.”

Nagbabala naman ang weather bureau sa posibilidad na pagbaha at pagguho ng lupa sa malaking bahagi ng bansa dahil sa hanging habagat.

Hahatakin ng sama ng panahon ang makapal na ulap sa West Philippine Sea kaya asahan ang maulang weekend sa western section ng ating bansa.