-- Advertisements --
Tuluyan nang naging bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa silangan ng Bicol region.
Ayon sa Pagasa, binigyan ito ng local name na “Ramon,” bilang ika-18 bagyo na nabuo o pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR).
Huli itong namataan sa layong 835 km sa silangan timog silangan ng Virac, Catanduanes o 685 km sa silangan ng Borongan City, Eastern Samar.
May taglay itong lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.
Kumikilos ang naturang sama ng panahon nang pakanluran sa bilis na 10 kph.
Kung magpapatuloy sa kaniyang direksyon ang bagyong Ramon, maaari itong mag-landfall sa Isabela sa darating na Linggo ng umaga.