-- Advertisements --
Pinaghahanda ng Pagasa ang mga residente ng Luzon at Visayas dahil sa papalapit na low pressure area (LPA).
Huling namataan ang LPA sa layong 1,025 km sa silangan ng Virac, Catanduanes.
Inaasahang lalakas pa ito sa mga susunod na araw at maaaring maging ganap na bagyo.
Samantala, maaaring makaranas ng mga biglaang buhos ng ulan at thunderstorm ang Quezon, Mindoro, Marinduque at Romblon, Visayas, Bicol, Northern Mindanao, Caraga at Davao region.
Habang ang Northern at Central Luzon ay apektado naman ng amihan kaya asahan din ang mga pag-ulan.