-- Advertisements --
Nananatiling mahina at maliit ang tyansang maging bagyo ng low pressure area (LPA) sa silangan ng Mindanao.
Huli itong namataan sa layong 400 km sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Gayunman, magkakaroon ng mga pag-ulan sa Caraga at Davao regions dahil sa naturang namumuong sama ng panahon.
Samantala, batay sa extended weather forecast ng Pagasa, magiging maalinsangan ang panahon sa darating na araw ng halalan sa Lunes.
Pero may bahagyang pagbuhos ng ulan sa Zamboanga at iba pang lugar sa Western Mindanao.
Ang Metro Manila, Cebu, Iloilo at Davao ay maaari namang makapagtala ng isolated thunderstorm sa hapon at gabi.