Tuluyan nang naging bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa silangan ng Luzon.
Ayon kay Pagasa forecaster Chris Perez, binigyan ang sama ng panahon ng local name na “Perla” bilang ika-16 na bagyong pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR).
Huling namataan ang sentro nito sa layong 1,190 km sa silangan ng Baler, Aurora o 1,120 km sa silangan ng Casiguran, Aurora.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.
“Sea travel is risky, especially for small sea vessels, over the northern and western seaboards of Northern Luzon due to potentially rough sea conditions associated with the northeasterly surface windflow,” saad pa ng abiso ng Pagasa.