-- Advertisements --
lpa pre falcon
Cloudy

Patuloy na uulanin ang malaking bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa extension ng low pressure area (LPA) na nasa labas pa ng Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang LPA sa layong 1,320 kilometro sa silangan ng Mindanao.

Sa kasalukuyan unti-unti nang nagiging aktibo ang namumuong sama ng panahon at posibleng sa Martes ay maging ganap itong bagyo.

Kung sakaling papasok sa 45 kph pataas ang dalang hangin, bibigyan ito ng local name na “Falcon,” bilang ika-anim na sama ng panahon para sa taong 2019.