-- Advertisements --

Nananatiling maliit ang tiyansa ng low pressure area (LPA) sa silangan ng Mindanao para maging panibagong bagyo.

Ayon sa ulat ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration), huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 730 kilometro sa silangan ng General Santos City.

Bunsod nito, asahang uulanin ang Eastern Visayas dahil sa extension ng LPA ngayong maghapon.

Magiging maulap at may paminsan-minsang pag-ulan naman sa Pangasinan, Zambales, Bataan at Palawan dahil sa hanging habagat.

Sa Metro Manila, magiging maalinsangan ang panahon ngunit posible ang isolated thunderstorm sa hapon at gabi.