Ikinagalak ni House Committee on Ways and Means chairman at Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang hindi inaasahang pagbaba ng inflation report para sa Setyembre 2024, kung saan itinatampok ang kahalagahan nito para sa economic agenda ng administrasyong Marcos.
Sinabi ni Salceda ang hindi inaasahang pagbaba ng inflation ay magbibigay ng maraming paraan para ipursige ang mga ambisyosong paggasta sa mga programang pang ekonomiya at social servies.
Dagdag pa ng ekonomistang mambabatas na magbibigay din ito ng malaking puwang sa Bangko Sentral ng Pilipinas para sa pag maniobra kapag ang US Fed at iba pang mga central banks na hindi maiiwasang ayusin ang kanilang interest rate levels.
Ipinunto ni Salceda ang low food inflation ay nagdulot ng makabuluhang pagbaba ng presyo sa mga prutas at gulay, kasabay ng bahagyang pagbaba sa presyo ng isda.
Ang inflation ng asukal ay nagpapahiwatig na ang presyo nito ay maaaring normalize.
Gayunman, nagbabala si Salceda na kailangan pa rin ang pagbabantay, partikular ang tungkol sa presyo ng bigas dahil ito ay nasa 5.7 percent pa rin.
“We must remain vigilant about rice inflation, which the poor tend to be most sensitive to. Rice is still at 5.7 percent we could still improve this figure. The October harvest season should further lower these levels. We should also watch out for corn prices, at 6.9 percent inflation, given its key importance as an input to meat, poultry, and fish prices,” pahayag ni Salceda.
Bilang tugon sa mga alalahaning ito, inihayag ni Salceda ang paglikha ng isang panel ng limang komite na nakatuon sa seguridad ng pagkain at mga presyo, kasama ang kanyang Committee on Ways and Means na nangunguna.
Sa ngayon sinabi ni Salceda na ang Kapulungan ng mga Kinatawan ay nakapagtatag na ng limang komiteng panel para sa seguridad ng pagkain at mga presyo ng pagkain.
Aniya, ang kaniyang Komite ang Committee on Ways and Means, ang magiging pangunahing Komite para sa pagsisikap na ito.
Ang iba pang constituent committee ay Trade and Industry, Food and Agriculture, Social Services, at ang Special Committee on Food Security.
Ang joint panel na ito ay tatawaging Quint-Comm na mayruong apat na hangarin.
Ito ay ang pagkamit ng P20 kada kilo ng bigas; pagtaas sa annual GVA growth sa agriculture; Bawasan ang agricultural losses at gawing competitive sa regional levcels ang Livestock and poultry prices sa bansa.