-- Advertisements --
Tiniyak ng National Police Commission (NAPOLCOM) na mananagot ang mga kadete na sangkot sa panggugulpi sa anim na bagong tinyete na graduates ng Philippine National Police Academy (PNPA).
Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairman Atty. Rogelio Casurao, may sarili silang imbestigasyon na gagawin kaugnay sa nasabing kaso dahil kailangang may managot sa insidente.
Inihayag ni Casura na walang puwang sa akademya ang mga ganitong uri ng kadete.
Patunay aniya kasi ng naging aksyon ng mga kadete na walang respeto ang mga ito sa kanilang upperclassmen.
Giit ng opisyal na dapat ay madismis ang mga ito sa PNPA sakaling mapatunayang totoo ang alegasyon na pambubugbog sa ilang graduates ng Maragtas Class of 2018.