-- Advertisements --

Nakapagtala lamang ng 168 na kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Department of Health (DoH) ngayong araw.

Ito na ang pinakamababang kaso ng COVID-19 mula noong May 19, 2020.

Samantala ay mayroon namang naitalang 372 na gumaling at 10 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.3 percent O 9,384 ang aktibong kaso, 97.9 percent o 2,777,541 na ang gumaling at 1.79 percent naman o katumbas ng 50,794 ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, apat na laboratoryo ang hindi operational noong December 19, 2021 habang mayroong 20 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 24 labs na ito ay humigit kumulang 4.8 percent sa lahat ng samples na nai-test at 4.5 percent sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19, bagkus ay dapat ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng facemask na may face shield, sundin ang physical distancing at maghugas ng kamay.

Agad rin na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.