-- Advertisements --

Patuloy pa rin sa pagbaba ang naitatalang COVID-19 cases ng Department of Health (DOH) matapos ang panibagong dagdag na 1,427 na dinapuan ng virus sa bansa.

Sinasabing ito na ang pinakamababang naitala sa daily tally ng DOH ngayong taon o lowest mula Dec. 29, 2021.

Sa kabuuan ang mga tinamaan ng coronavirus sa Pilipinas mula taong 2020 ay umaabot nasa 3,653,526.

Mayroon namang 3,269 na panibagong gumaling na mga pasyente.

Ang mga nakarekober sa bansa mula sa simula ng pandemya ay umaabot na sa 3,539,106.

Samantala 79 naman ang nadagdag sa mga pumanaw.

Ang death toll bunsod ng deadly virus ay umaabot na sa 55,763.

Sa ngayon bumaba na rin ang mga active cases o mga pasyente nagpapagaling pa na nasa kabuuang 58,657.

Pinakamababa ito mula noong nakalipas na Jan. 6, ng taong kasalukuyan.

Mayroon namang limang mga laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS) ng DOH.