-- Advertisements --

Iniulat ngayon ng Department of Health (DOH) na nakapagtala sila ng 2,303 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sinasabing ito na ang pinakamababa sa daily tally ng kagawaran sa loob ng walong buwan o mula noong Marso 3.

Samantala mayroon namang naitalang 4,677 na gumaling subalit nasa 128 ang mga nadagdag na bagong pumanaw.

Nasa pang-apat na raw na ngayon na mahigit sa 100 ang new fatalities na naitatala ng DOH.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.5% (40,786) ang aktibong kaso, 97.0% (2,708,466) na ang gumaling, at 1.55% (43,404) ang namatay.

Ang 40,786 active cases ang pinakamababa rin mula noong Marso 8.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 31, 2021 habang mayroong walong laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 8 laboratoryo na ito ay humigit kumulang 1.2% sa lahat ng samples na naitest at 1.0% sa lahat ng positibong mga indibidwal.