Bumaba pa ngayon ang mga bagong naitalang dagdag na kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kumpara sa nakalipas na mga araw.
Ito ay makaraang iulat ng Department of Health (DOH) ang 8,292 na mga bagong tinamaan ng coronavirus.
Kaugnay nito, ang mga dinapuan ng COVID-19 sa bansa mula noong nakaraang taon ay umaabot na sa 2,674,814.
Mayroon namang naitalang bagong gumaling sa virus na nasa 302.
Nabawasan na rin ang mga aktibong kaso na umaabot sa 98,894.
Ang mga nakarekober naman sa bansa mula noong nakaraang taon ay nasa 2,536,260 na.
Naitala rin naman ng DOH ang umaabot sa 36 na nadagdag na mga namatay.
Ang death toll sa bansa ay umaabot na sa 39,660.
Habang mayroong dalawang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Sa ngayon ang ICU bed occupancy rates sa Pilipinas ay bumaba sa 69%, habang sa NCR ay nasa 67% o katumbas ng moderate risk.
“Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.7% (98,894) ang aktibong kaso, 94.8% (2,536,260) na ang gumaling, at 1.48% (39,660) ang namatay,” bahagi ng paliwanag ng DOH. “Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 9, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.2% sa lahat ng samples na naitest at 0.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal.”