Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 356 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sinasabing ito na ang pinakamababa na mga kaso sa isang araw mula noong July 2, 2020.
Samantala ay mayroon namang naitalang 871 na mga gumaling.
Mula noong nakaraang taon ang mga nakarekober sa Pilipinas ay nasa 2,772, 728.
Sa kabuuan ang mga nahawa sa virus sa bansa ay umaabot na sa 2,835,346.
Bahagya namang bumaba sa 92 ang mga bagong pumanaw.
Ang mga aktibong kaso ngayon sa buong bansa ay nasa 13,026 na siyang pinakamababa mula Mayo noong nakaraang taon.
Mayroon namang anim na laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
“18% of the reported deaths today occurred in November 2021 due to late encoding of death information to COVIDKaya. This issue is currently being coordinated with the Epidemiology and Surveillance Units to ensure information is up to date,” bahagi ng DOH advisory.