Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng panibagong 2,730 na karagdagang kaso ng COVID-19 na itinuturing na pinakamababa ngayong taon.
Ito rin ang lowest daily ng DOH mula noong Dec. 30, 2022.
Sa ngayon umaabot na 3,639,942 ang kabuuang tinamaan ng coronavirus sa Pilipinas mula noong taong 2020.
Samantala mayroon namang naitalang 7,456 na mga gumaling.
Ang mga nakarekober na pasyente sa bansa ay umaabot na sa 3,508,239
Meron namang nadagdag sa listahan na mga pumanaw na nasa 164.
Ang death toll sa bansa bunsod ng deadly virus ay nasa 55,94 na.
Sa ngayon bumaba pa sa 76,609 ang mga aktibong kaso.
Ito na ang pinakamababa mula noong January 6, 2022.
Mayroon namang dalawang laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS) ng DOH.