-- Advertisements --
Malaki pa rin ang respeto ni Toronto Raptors point guard Kyle Lowry sa dating kasamahan nitong si Kawhi Leonard.
Ito ay kahit na lumipat si Leonard sa Los Angeles Clippers.
Ayon 33-anyos na si Lowry na matalik na kaibigan niya si Leonard at wala itong sama ng loob matapos na magdesiyong lumipat ng koponan.
Pinasalamatan nito si Leonard dahil sa naging malaking tulong nito para makuha ng Raptors ng kanilang kauna-unahang kampeonato.
Iginiit naman ni Lowry na hindi pa rin niya iiwan ang Raptors.