Nangako si Toronto Raptors guard Kyle Lowry na magiging mas agresibo umano ito sa Game 3 ng NBA Finals.
Ito’y lalo pa’t dadalhin na ang kanilang best-of-seven showdown sa teritoryo ng Golden State Warriors sa Oracle Arena.
Ayon kay Lowry, lumalabas daw kasi ang kanyang angking galing kapag road games.
“To play,” wika ni Lowry. “To do whatever I need to do to help my team win. Being on the road, I may be more looking for my shot, being more aggressive.
“I play better on the road, and I always have. That’s how I’ve always been. The road is where it’s supposed to be the toughest, and I love the road,” dagdag nito.
Medyo inalat ang All-Star point guard sa unang dalawang laro ng serye kung saan mayroon lamang itong 6-for-20 mula sa field, at 4-for-12 sa 3-point arc.
Nagpatuloy ito sa Game 2 kung saan nagtapos lamang ito na may 13 points sa malamyang 4-for-11 shooting.
Una nang sinabi ni Toronto coach Nick Nurse, tatangkain nilang makapagtala ng kahit isang panalo sa baluwarte ng Warriors.