-- Advertisements --

Sasapi na umano sa mayorya ng Kamara ang karamihan sa mga congressman mula sa Liberal Party (LP).

Ayon kay Caloocan Rep. Edgar Erice, nakapag-usap na raw ang mayorya ng LP at napagpasyahan nilang maging kasapi na ng majority.

Sinabi pa ni Erice, tama raw ang naging pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-endorso nito kay Taguig Rep. Alan Peter Cayetano bilang House Speaker.

Paliwanag ni Erice, hindi na raw mangangapa si Cayetano sa bago nitong trabaho sapagkat naging mambabatas at senador na ito ng ilang termino.