Agad bumwelta ang Liberal Party (LP) sa pahayag ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio hinggil sa kredebilidad ng pagkapanalo noon sa halalan ni Vice Pres. Leni Robredo.
Ito’y matapos magbigay komento ang bise presidente sa naunang mensahe ng presidential daughter tungkol sa umano’y pagsisinungaling ng ilang kandidato.
Pinuna ng abogado ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez ang tila pagtangkilik umano ni Duterte-Carpio sa “fake news” dahil sa mga akusasyon nito sa pangalawang pangulo na wala raw sapat na basehan.
“Salamat Mayor Sara, pinatunayan mong hindi ka talaga naniniwala na kailangan ang honesty sa public service. Babanat ka na nga lang, mga fake news pa ang ginamit mo,” ani Gutierrez.
“Ilang beses nang napatunayang peke ang mga ito. Magbasa din kasi ng totoong balita ‘pag may time. Ginawa mo lahat ito para lang sa pag-iwas sa debate ng mga kinakampanya mong kandidato?,” dagdag pa nito.
“Grabe namang tumbling ito para sa mga Hugpong na nagtatago. Mag reserba ka naman nang kaunti, madam, masyado pang maaga para mangampanya para sa 2022.”
Malinaw lang din umano na umiiwas ang mga kandidatong iniindorso ng kanyang regional party na Hugpong ng Pagbabago sa mga usapin na magkaroon sila ng debate sa mga kandidato na suportado ng oposisyon.
Pinayuhan naman ng LP si Duterte-Carpio na himukin ang kanyang mga kaalyado na magsalita tungkol sa mga issue ng bansa imbis na magbato ng akusasyon.
“Ang dapat na nagsasalita ay ang kanilang mga kandidatong tumatakbo para sa Senado. At ang mga dapat pag-usapan ay ang mga hinahanapan ng sagot ng mga Pilipino: kawalan ng trabaho, mataas na presyo, pagpatay, at katiwalian,” ayon sa partido.
“Hindi kandidato si VP. Ang pag-atake sa kanya gamit ang fake news at paninira ng mga Marcos ay pagtatangkang ibaon ang mga usapin ng panloloko, pagnanakaw, at kapalpakan na kinasasangkutan ng mga kandidato nila sa Hugpong.”
Sa isang statement, sinabi ng Davao City mayor na dapat umiwas si Robredo sa pagbibigay komento tungkol sa katapatan at intergridad dahil noon pa man daw ay kwestyonable na ang pagkapanalo nito bilang bise presidente.
“Leni Robredo should avoid commenting about honesty and integrity. Her honesty has been questioned since day one of her term as Vice President,” ani Duterte-Carpio.
“She is not called fake VP for no reason. She has tried to copy her late husband but has failed at every turn. She is facing an electoral protest for massive fraud during the 2016 elections,” dagdag pa ng presidential daughter.
“She has refused to answer allegations of her relationship with a married man. She may or may not get away with these but we all know she is not forthcoming in everything.”
“The reason why good moral character is not a requirement to run for Vice President is because we have so many Leni Robredos in this world. And if she insists in saying that you have to be honest to run for public office, then she must say goodbye to her dreams of becoming President.”